Panunumpa Sa Watawat Ng Pilipinas
Ako ay Pilipino, taos pusong nanunumpa sa watawat ng Pilipinas,
at sa bansang Kanyang sinasagisag na may dangal, katarungan at kalayaan;
na pinakikilos ng sambayanang makaDiyos, makakalikasan, makatao, at makabansa.
Panunumpa Ng Kawani Ng Gobyerno
Ako’y kawani ng Gobyerno
Tungkulin ko ang maglingkod nang tapat at mahusay Dahil dito,
Ako’y papasok nang maaga at magtatrabaho nang lampas sa takdang oras kung kinakailangan,
Magsisilbi ako ng magalang at mabilis sa lahat ng nangangailangan;
Pangangalagaan ko ang mga gamit, at kasangakapan at iba pang pag-aari ng pamahalaan
Magiging pantay at makatarungan ang pakikitungo ko sa mga lumalapit sa aming tanggapan;
Magsasalita ako laban sa katiwalian at pagsasamantala;
Hindi ko gagamitin ang aking panunungkulan sa sarili kong kapakanan;
Hindi ako hihingi o tatanggap ng suhol;
Sisikapin kong madagdagan ang aking talino at kakayahan
Upang ang antas ng paglilingkod sa bayan ay patuloy na maitaas.
Sapagkat ako’y kawani ng gobyerno
At tungkulin ko ang maglingkod nang tapat at mahusaySa bayan ko at sa panahong ito;
Ako at ang aking mga kapwa kawani ay kailangan tungo sa
Isang maunlad, masagana at mapayapang Pilipinas.
Sa harap ninyong lahat, ako’y taos-pusong nanunumpa.
DOST VI Quality Policy
We are committed to provide relevant science and technology related services to both the government and private sectors in Region VI with the highest standards of quality and reliability within our capabilities and resources according to customer and all applicable regulatory and statutory requirements and to continually improve the effectiveness of our Quality Management System (QMS) in order to meet customer satisfaction.
DOST Hymn
Dumating na ang bagong pag-asa
Ng ating bansang sinisinta
Ang DOST ay sumilang na
Lingkod ng bayan sa t’wina.
Pagtuklas ng bagong karunungan
Sa iba’t ibang uring agham
Ang mithii’y kasaganaan at kaunlaran
Ng ating Lipunan.
Ibandila ang kanyang sagisag
Ya’y tanda ng pagsisikap
Pagtupad ng ‘ting pangarap ay biyayang malalasap
Magpugay tayo ng sabay-sabay.
Mabuhay, mabuhay, ang DOST
Ang siyensiya’y sandigan ng maunlad na bayan
Layuni’y dakila at maipagkakapuri
Magkaisa ng dalangin para sa inang bayan.
Mabuhay, mabuhay, ang DOST
Ang siyensiya’y sandigan ng maunlad na bayan
Layuni’y dakila at maipagkakapuri
Magkaisa ng dalangin para sa inang bayan.